"Crying does'nt lessen one as a man rather, it makes one more of a human"
-annonymous
Nung retreat namin nung second year HS ako, umiyak talaga ako. After that retreat, I promised myself not to cry anymore. So, sa mga occasions na dapat akong maiyak, talagang pinipigil ko. Ewan ko kung bakit ako ganun. Pero, nung nakaraang lunes (09-03-07) my grand fatehr died. Syempre naiyak ako ng sobra. My grand father means a lot to me. Kapag wala sina mama and papa, sya yung kasama naming magkakapatid. Ung mga classmates ko na kasama sa recognition day last april 2007 nakita na sya. Sya pa nga ung nagsabit ng medal ko eh. Kaya sobra akong nalungkot at umiyak nung mawala sya lalu na nung burial. Then, I realized na napaka ikli ng buhay. Dapat nating iparamdam sa mga taong mahal natin na mahal natin sila dahil hindi natin alam kung kailan tayo kukunin ni Lord.
Hanggang d2 na lang, wala na akong malagay.
Kaya nga pala Handkerchief ang title ng post na to dahil un ang ginamit ko pamunas ng luha ko at ipininas ko rin ung handkershief ko sa glasscover ng cascket ng gradfather ko nung binless un ng holy water.
"kahit pa gaano kalaking dagok ang dumating sa atin, huwag nating kalimutang ngumiti pagkatapos dahil sa bawat bagyo ay may bahagharing masisilayan sa likod ng mga ulap"
-Keith Sta.Ana
Saturday, September 8, 2007
Subscribe to:
Posts (Atom)